Title: Ken's Booklover
Released Date: August 20, 2013
Nang magising si Mia sa ospital ay isang lalaki ang nakita niyang nagbabantay sa kanya. Pagkagulat at pagkalito ang naging reaksiyon niya rito dahil habang kinakausap niya ito ay tila kilalang-kilala siya nito.
“Paano tayo nagkakilala?”
“Nagtatrabaho ka sa `kin bilang Web designer para sa isang kliyente ko.” Ngumiti ito na para bang may naalala. “Hindi tayo magkasundo noon. Madalas tayong magtalo pero habang tumatagal na magkasama tayo, nagkasundo na rin tayo,” paliwanag nito na para bang isa siyang paslit.
“Ano’ng pangalan mo?” tanong niya.
“Kenneth Javier. But you prefer to call me KJ whenever I oppose your ideas. Then you’ll call me Ken whenever we’re okay.”
Mukhang nagsasabi naman ito ng totoo. Mukhang handa rin itong ibigay ang buong atensiyon nito sa kanya. Pero pakiramdam niya ay hindi tama iyon, lalo pa at kahit anong piga ang gawin niya sa utak niya ay hindi niya matandaan kung magkakilala nga silang dalawa.
Title: Gio's Bookworm
Released Date: August 27, 2013
“Kung iniisip mong ikaw lang ang nag-iisang tao na problemado sa paghahanap ng makakarelasyon, puwes, sasabihin ko na sa `yo ngayon—hirap din akong makahanap ng babaeng magiging girlfriend ko.”
Nagtaka si Ella nang marinig iyon mula kay Gio. Parang imposible kasi na wala itong nobya o walang babaeng magkakagusto rito. Guwapo ito, mayaman, at mabait. Kaya ano pa ba’ng puwedeng maging dahilan ng pagiging single nito? Ngunit agad din nitong sinagot ang tanong niya.
“Dahil kadalasan, ang mga babaeng gusto ko ay may gusto nang iba. The worst part is the person they fell in love with also felt the same way, so I have no choice but to let them go.”
Natulala siya. Ngunit hindi niya rin maiwasang humanga rito. At higit sa lahat, hindi niya naiwasang isipin kung posibleng bagay silang dalawa kahit alam pa niyang may gusto na itong iba.

Title: Dex's Bookseller
Released Date: September 4, 2013
Ang pagkakaroon ng bagong trabaho ang masasabi ni Valerie na naging simula ng malaking pagbabago sa buhay niya. Mula kasi nang makatrabaho niya si Dexter ay nagulo na ang mundo niya.
Dexter was too weird for her. Hindi ito ang tipo ng lalaking gugustuhin niyang makasama palagi dahil para siyang may alagang bata kapag kasama niya ito.
Kaya bago pa man siya makunsumi nang husto sa bagong amo niya ay naisipan niya nang mag-resign upang asikasuhin ang kanyang sariling negosyo.
Ngunit isang araw ay natagpuan niya ang sarili na interesado na rito. And so, she asked him:
“Do you think I can be one of your women, Dex?” lakas-loob na tanong niya.
Inaasahan niyang tatanggihan siya nito pero natuliro siya nang sabihin nitong pumapayag ito. Ngunit ang tanong na hindi niya magawang itanong dito ay kung hanggang kailan siya magiging parte ng buhay nito.
Title: Rad's Bookmaker
Released Date: September 10, 2013
“Seryoso ako. I want you back in my life. I want to marry you. I want to have kids with you. Kaya kung galit ka sa `kin, kung may ginawa ako na ikinainis mo, sabihin mo na lang iyon sa `kin para alam ko kung ano ang gagawin ko.”
Kaya nang kausapin niya ito ay napilitan na siyang sabihin ang totoo. And it ended with the words “…I won’t marry you.”