- Alam ni Nicka Gracia kung ano ang pinaghuhugutan ko sa ilang eksena ng pangalawang libro ng TRR. Ito ang dahilan kaya gustong-gusto niya ang Gio's Bookworm. Para na rin sa kaalaman ng lahat base ang ilang eksena sa totoong buhay. Kung naaalala ninyo ang NBS Warehouse Sale sa Quezon Avenue noong nakaraang 2012 maaalala ninyong ang daming namili doon at kahon-kahon talaga ang mga nabiling libro dahil bukod sa bagsak presyo ay talagang rare books ang makikita. It's the first successful sale of National Bookstore. At magkasama kaming nakigulo doon ni Nicka Gracia. Habang nasa mahabang pila ng cashier may nakatabi kaming lalaki na may isang kahon (balikbayan box type) ng mga librong bibilhin. Ang sabi niya babasahin niya daw lahat iyon. And so... that inspired me from creating a guy reader who can read a lot of books because he's a fast reader.
- There was a survey in my facebook group (Novels of Gypsy Esguerra). Katuwaan lang naman kung sino ang paborito nilang Geek, Nerd, at Reader. According to the survey si Blaire ang pinakapaboritong karakter sa TRR. Kung bakit hindi ko pa alam. But I'm guessing because she's link to Conrad and there's an intense love-hate relationship going on between them.
- Totoong nanghawa ako ng addiction ko sa mga libro ni Lori Foster. It's a book recommendation I called LF Fever. Naikuwento ko iyon sa mga manunulat rin ng PHR tapos sinubukan nilang basahin kaya may eksena sa TRR na nagfa-fan girl ang mga writers sa mga hero ng novels. The lines from the novel are not based on the actual conversation I had but I'm glad they also appreciate the books I read.





No comments:
Post a Comment